Tuesday, March 21, 2006

Basketbol

Ang buhay, parang basketbol. Ilang saglit ng pagaalinlangan at maaring lumipas ang pagkakataon. Ilang beses pang ipasa ang bola at ang oras mo'y aalpas. Bawat sandali ay mahalaga, bawat pasa, bawat hakbang dapat ay may kabuluhan dahil hindi maghihintay ang mga segundong dumudulas sa ating mga kamay. Maging mailap man ang bola, di dapat mawalan ng loob sapagkat tulad ng basketbol, matalo man o manalo, sa huli ang tanging mahalaga ay ang iyong lakas, puso at isip na ibinuhos mo sa iyong laro.

No comments: